Goodbye Eli (From April 2025)

My friend and fellow Marinduque historian has left us.

https://www.facebook.com/share/p/16Bu4Bjyd7

ALAMAT SA HINDI MAKALILIMUTANG AMBAG MO SA MARINDUQUE, TITO ELI: Pumanaw na ang lokal na mananalaysay, manunulat at tagapagtaguyod ng sining, kultura at tradisyon sa lalawigan ng Marinduque na si Eliseo J. Obligacion.

Si Obligacion na mas kilala bilang Tito Eli ay binawian ng buhay kaninang tanghali, Abril 29 sa Boac.

Siya ang itinuturing na nagsimula ng blogging sa Marinduque nang kanyang umpisahan ang Marinduque Rising, isang blogsite na nagpapakita at nagpapakilala ng kultura, turismo at kasaysayan ng puso ng Pilipinas.

Si Obligacion din ang nag-umpisa at direktor ng Teatro Balangaw, isang community theater group na naglunsad ng mga orihinal na produksyon na nakabatay sa mga katutubong paniniwala sa isla.

Siya ang may-akda ng, ‘Ang Kristo: Pasyon-Dula at ng awiting “Marinduque Akin Ka”.

Paalam, Tito Eli, palagi kang buhay sa aming mga alaala.